Namayagpag ang bandera ng mga estudyante na nasa ika-12 na baitang matapos mahakot nila ang karamihan ng mga parangal sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga aktibidad at paligsahan, pinatunayan ng mga Josenian na mahal nila ang kanilang pagmamahal sa pambansang wika. Ilan sa mga patimpalak ay ang pagsulat ng tula at masining na pagkukwento. Mayroon ding ibang mga kategorya tulad ng paggayak ng silid-aralan, pagdisenyo ng bulletin board, paggawa ng music video at poster.
Gumamit ang mga estudyante ng mga tradisyonal na materyales kagaya ng dahon ng saging at rattan sa pagpapalamuti ng mga silid-aralan at bulletin board. Ang mga disenyong ipinakita ay nakatuon sa kahalagahan at kagandahan ng ating wika.
Sa paligsahan sa paggawa ng music video, itinaguyod ng mga manlalahok ang kagandahan ng Original Pinoy Music (OPM) sa pamamagitan ng paggawa ng mga video ukol sa kantang napili nila.
Kinilala ang mga nagsipagwagi sa iba’t-ibang mga patimpalak at nagpakita ng kahanga-hangang mga kakayahan at talento sa kanilang kategorya. Ito ang tala ng mga nanalo:
Paggayak ng Klasrum (Basak Campus):
Unang gantimpala – Grade 12 – St. Ambrose
Pangalawang gantimpala – Grade 11 – St. Sebastian
Pangalawang gantimpala – Grade 11 – Our Lady of Rosary
Paggayak ng Klasrum (Main Campus):
Unang gantimpala – Grade 11 – St. Boniface
Pangalawang gantimpala – Grade 12 – St. Magdalene of Nagasaki
Pangatlong gantimpala – Grade 11 – Blessed Gonzalo of Lagos
Paggayak ng Bulletin Board (Basak Campus):
Unang gantimpala – Grade 12 – St. Ezekiel Moreno
Pangalawang gantimpala – Grade 11 – Our Lady of Rosary
Pangatlong gantimpala – Grade 11 – Our Lady of Guadalupe
– Grade 12 – St. Nicholas of Tolentine
Paggayak ng Bulletin Board (Main Campus):
Unang gantimpala – Grade 11 – St. Boniface
Pangalawang gantimpala – Grade 11 – Blessed Cristina of Spoleto
Pangatlong gantimpala – Grade 12 – St. Alonzo of Orozco
Music Video Production
Unang gantimpala – “Sa’yo” ng St. Nicholas of Tolentine
Pangalawang gantimpala – “Barkada” ng St. Ambrose
Pangatlong gantimpala – “Dili Pa Panahon” ng St. Ezekiel Moreno
Pang-apat na gantimpala – “Pusong Ligaw” ng Our Lady of Divine Help
Panglimang gantimpala – “Duyog” ng Our Mother of Good Council
Paggawa ng Poster
Unang Gantimpala – Austin Carlo F. Hetutua (12-Ambrose)
Pangalawang Gantimpala – Lorraine Ross E. Unabia (12-Our Lady of Candelaria)
Pangatlong Gantimpala – Gianfranco H. Fernandez (2-Our Lady of Consolation)
Masining na Pagkukuwento
Unang Gantimpala – Belle Saban (11-Our Lady of Help)
Pangalawang Gantimpala – Jezel Ann Basadre (11-St. Denis)
Pangatlong Gantimpala – Mary Gayle Gelig (11.-Bl. Clement of Osimo)
Ginanap ang panapos na programa at ang parangal sa mga nagwagi noong Setyembre 7, 2017. Karamihan sa mga kalalakihan ay nagsuot ng barong Tagalog. Ang mga babae naman ay nagsuot ng baro’t saya habang ang iba ay nagsuot ng Filipiniana.
Sinundan ang ito “Pistang Bayan” kung saan ang mga estudyante ay naghanda ng mga pagkain na kanilang pinagsasaluhan. Magkaiba ang inihanda ng mga pakulo ang bawat seksyon. May iba na nagkaroon ng mga palatuntunan at ang iba naman ay nagkaroon ng tradisyonal na mga larong Pinoy.
Ang tema ng buong buwan na selebrasyon ay “Filipino: Wikang Mapagbago”. Hinikayat rin ng mga guro ang mga mag-aaral sa Senior High na gamitin ang Wikang Filipino para sa ikauunlad ng ating mga mamamayan at ng buong bansa.
Ang taunang pagdiriwang ng Wikang Filipino tuwing Agosto ay nakasaad sa Proklamasyon Bilang 1041 na linagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 15, 1997. Ang taong 2017 ang ika-sampung taon na pagdiriwang nito.
Written by Lance Roi Catadman
We envision the University of San Jose-Recoletos to be a premier Gospel and Community-oriented educational institution committed to lead in instruction, research, community engagement, and innovation in order to transform Josenians into proactive and compassionate leaders, creators of communion, and dynamic partners of society in the 21st Century.
University of San Jose - Recoletos
Year Founded 1947